Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sassa Gurl sinapawan sina Paolo, Vice

0 45

NI: ALWIN IGNACIO

Nagkakagulo ang mga maricon sa social media kasi nga, kasaysayan ang inukit ni Felix Petate, na mas popular bilang Sassa Gurl. Siya lang naman ang super model para sa calendar ng isang iconic alak brand.

At hindi pwedeng isnabin o pagdabugan ng bangs ang digits na meron itong si Sassa sa kanyang mga social media site – 4.4 million followers sa TikTok, 620,000 sa FB, 186,000 subscribers sa YouTube, at 78,000 followers sa Instagram.

Pasalamat tayo na progresibo ang pag-iisip ng alak company na sinang-ayunan at may seal of approval na gawin siyang ‘calendar girl’ .

Di for all the babaihan imaging nina Queen Bayot Vice Ganda at ang pagkagana-gandang the Other Queen P, Paolo Ballesteros, si Sassa Gurl, pinamewangan at puwedeng irap-irapan ang mga reynang maricon dahil sa kanyang suwerteng modelling gig.

Siyempre pa, witty ang catch phrase para kay Sassa: “Ang laging nagpapainom tuwing may inuman”. Naku, ang mga politically correct eme na mga bekibel, tiyak naningkit ang mga mata lalo na nga’t karamihan sa kanila ang ilusyon ay “ganda lang” card ang kanilang puhunan, huh! Kape!!!

Leave A Reply

Your email address will not be published.