Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sasuman, AU pinaiyak EAC

0 76

Kumamada si Nicole Victoria Sasuman ng 13 points sa likod ng 11 attacks, at tig-1 ace at block upang bambuhin ng three-time defending champion Arellano Lady Chiefs ang second semifinals berth makalipas ratratin ang Aguinaldo Lady Generals 25-21, 25-18, 26-24 sa 97th National Collegiate Athletic Association women’s volleyball tournament elims sa Paco Arena sa Maynila Martes ng hapon.

Ayudahan ng tig-siyam na puntos sina Carla Donato at Chramina Dino sa pagkapit ng Legarda-based squad sa second place rin sa 7-1 win-loss slate. Humihinga ang AU sa batok ng St. Binilde Lady Blazers na may 7-0.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasayang naman ang iniskor na 15 ni Catherine Almazan para sa mga baolibolista ng Gen. Luna sa pagsalampak sa 2-6, lumabo na ang pag-asa sa next round. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.