Abante Tonite Interactive

Satellite office ng Parañaque City Hall itatayo sa Coastal Road

By
155

Upang hindi mahirapan ang business sectors at mga kawani, nakatakdang magtayo ng city go­vernment satellite office ang Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa Pagcor entertainment city sa kahabaan ng Coastal Road.

Sabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang naturang sa­tellite office ay magiging extension ng tanggapan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), Assessors Office, police at NBI clearances, health at working permit office.

Makakalikha aniya ng mas maraming trabaho sa mga residente ng Parañaque ang itatayong city government satellite office.

“The project will bring value to the city’s property. It will create jobs for city residents, who may be employed by the various busines­ses that will lease space at the commercial area,” ani Olivarez.

Ito ay magkatuwang na proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque at Anchor Land Holding Inc. (ALHI), na nagkakahalaga ng P2.7 million.

Ngunit ang gastusin ng proyekto ay sasagutin ng naturang pribadong developer at sa bahagi ng gusaling iatatayo ay maglalagay ng mga commercial establishment.