Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saudi king pinapurihan ni Duterte

0 212

Ikinatuwa ng Malacañang ang bagong reporma sa batas para sa mga manggagawa sa Saudi Arabia na inaasahang pakikinabangan ng may 800,000 overseas Filipino worker (OFW).

Sa inilabas na pahayag ng Malacañang, ang Land Reform Initiative (LRI) ng Saudi Arabia ay sagot umano sa matagal nang problema ng mga OFW sa sponsorship na umiiral sa Middle East.

Sa ilalim ng LRI, ang sino mang dayuhang nagtatrabaho sa Saudi Arabia ay pinapayagang lumipat ng ibang employer ng hindi na kailangan ang permiso ng amo sa sandaling natapos ang kontrata.

SM food to go Banner Ad

Pinapayagan ding bumiyahe ang mga manggagawa sa labas mg Saudi Arabia kahit walang permiso ang amo sa sandaling natapos na ang kontrata.

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay King bin Abdulaziz al Salud sa kanyang inisyatiba at nangakong magpapatuloy ang ugnayan ng gobyerno at pangasiwaan ng hari ng Saudi para sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng OFW sa kanilang bansa.

Magiging epektibo ang LRI sa Marso 14, 2021. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.