Abante Tonite Interactive

Saudi OFW na pinainom ng bleach binuhusan ng suporta

By
2,235

Anumang araw at oras ay puwede nang ilipat sa regular ward mula sa Intensive Care Unit (ICU) ang Pinay na overseas Filipino worker (OFW) na sapilitang pinainom ng liquid bleach ng kanyang employer kamakailan sa Saudi Arabia.

Ayon kay Elmer Cato, Acting Assistant Secretary for Public Diplomacy ng Department of Foreign Affairs (DFA) bumubuti na ang kalaga­yan ni Agnes Mancilla, tubong-Quezon matapos itong maratay ng ma­hi­git sa isang linggo sa King Fahad Central Hospital sa Jizan.

Tiniyak naman ng mga Filipino nurse ng nasabing pagamutan kay Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate General sa Jeddah na kanilang aasikasuhin si Agnes hanggang sa ito ay maka-recover.

Pahayag pa ni Badajos, nakausap na ng mga awtoridad sa Jizan si Mancilla at nakapag-sumite na ng initial findings sa prosecution para sa gagawin nilang aksyon sa kaso.

Hindi rin aniya ma­tanggap ng mga awtoridad sa Saudi Arabia ang ginawa ng amo ni Mancilla at tiniyak pa nilang mananagot ito dahil wa­lang kinikilingan ang mga nagkakasala sa ka­nilang batas.

Nakausap na rin aniya ang pamilya ni Agnes sa Infanta, Quezon at tiniyak nito na bibigyan ng assistance ang kanilang anak ng gobyerno. (Armida Rico)