Abante Tonite Interactive

Savings ng Koreano winidraw ng ex

405

Tinutugis ngayon ng Cavite police ang isang 33-anyos na ex-girlfriend ng isang Koreano matapos mag-withdraw ng pera ng huli gamit ang pekeng pirma sa Gen. Trias City, Cavite.

Kasong Estafa thru Forgery ang ikinaso laban kay Shiela Legaspi, dalaga ng No. 9076 BS Legaspi Compound, Purok 5 Pasong Camachile 2, Gen. Trias City, Cavite dahil sa reklamo ni Cheon Yunyoung, 39, binata, tubong Daejon, Korea at taga-No. 37 Cyan Avenue, Ayala Southvale, Sonera, Almanza 2, Las Piñas City.

Sa ulat ni PCpl Allan John Ferrer Edoria ng Gen Trias City, Cavite, nalaman ng biktima na na-withdraw ng kanyang ex-girlfriend ang P29,750 sa kanyang account nang magtungo ito sa Chinabank branch noong Hulyo 11 upang mag-withdraw.

Wala umanong matandaan ang biktima na pumirma ito ng tseke. Sinubukang tawagan ng biktima ang dating GF pero hindi na ito sumasagot kaya inireklamo na ang ex-dyowa.

Ayon kay Edoria, lumalabas na may pirma ng biktima ang isang tseke kaya nakapag-withdraw ang suspek subalit itinangging pirma niya ito. (Gene Adsuara)