Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sawa naispatan sa bodega ng DHL

0 209

Isang uri ng reticulated python ang natagpuan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa kargamento sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang python ay nasa listahan ng Injurious on the Lacey Act and importation sa Amerika.

Related Posts

Ang buhay na python ay nakita mula sa outbound parcel sa bodega ng DHL. Dineklarang “wood curtains, lanters, rattan basket” ang kargamento na galing sa isang “Janrei Fernandez” ng Sampaloc, Manila.

Dadalhin sana sa New York ang kargamento ngunit nang isailallim sa 100% physical examination ay nakita ang nakatagong python sa loob ng rattan basket.

Agad dinala sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ahas. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.