Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sawi sa pag-ibig nagpaalam kay nanay saka nagbigti

0 221

Tumawag pa nang dalawang beses sa kanyang ina at nagpaalam pa ang isang lalaking sinasabing broken-hearted bago siya tuluyang nagpakamatay, Martes sa tinutuluyang bahay sa Sta. Cruz, Maynila.

Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang 29-anyos ng kanyang babaeng kapatid, alas-12:00 kamakalawa ng tanghali sa kuwarto ng nauna na nakabitin at may laslas pa ang kaliwang pulso sa nasabing distrito ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/SSg. Mark Daniel de Guzman ng Manila Police District-homicide section, huli umanong nakitang buhay ang biktima alas-10:00 Martes ng umaga.

Nalaman sa ina ng biktima na tumanggi na silang paimbestigahan ang pagkamatay ng kanyang anak sa paniniwalang walang foul play sa pagkamatay nito.

Sinasabing ang nagtulak sa insidente ay ang matinding pagseselos ng biktima sa kanyang babaeng kinakasama.

SM food to go Banner Ad

Humantong pa umano ang away ng mag-live-in sa barangay matapos saktan ng biktima ang kinakasama nang magselos sa hinalang may iba itong karelasyon.

Sa puntong iyon, tumanggi na ang babae na makipag-ayos sa lalaki.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may tanong tungkol sa men­tal health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin, o nanganganib mag-suicide.

Maaaring tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727 o 0908-639-2672) o telepono (1553). (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.