Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sawsaw sa lola shoplifter, Barbie niresbakan na boba

0 772

Hindi mapigilan ni Barbie Imperial na mag-react sa inarestong 60-year –old lola. Kinasuhan ito ng theft dahil sa pagkuha ng chocolates, canned goods, body spray sa isang convenient store sa Makati.

Tweet niya: “Pag ang mahirap nagnakaw, kulong. Pero yung iba dyan, milyun-milyon ang ninakaw, malaya pa din. Púcha naman. Ano na?”

Niresbakan naman siya ng basher niyang si @AnjomarAcosta, “bobo mo barbie. graduate ka lang talaga ng pbb eh. kung nagugutom yan pagkain kukunin nyan like sardinas and can goods. e chocolate kinuha may body spray pa. gamit gamit din ng utak girl. tska bayadan ko muna PA mo.”

Buwelta ni Barbie, “Bayad na tagal na tanong mo pa kay Tulfo. Kwento mo sa 3 followers mo.”

Hirit naman ni @tintinbitin14, “Wag nyong kunsintihin ang mga magnanakaw di porket matanda at mahirap ang nagnakaw eh hindi na dapat hulihin maraming sindikato ang ginagamit ang mga ganyan modus. Ngaun dun sa milyon milyon ang ninakaw eh malamang mga bigtime un mapatao o kompanya!”

Resbak ng aktres, “Ah.. basahin nyo po ulit. Wala naman akong sinabi na okay lang magnakaw kapag mahirap. Ang sinsabi ko, BAKIT YUNG MILYON YUNG NINAKAW MALAYA PA DIN?”

Marami namang followers ni Barbie ang sumuporta at nagtanggol sa

punto niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.