Abante Tonite Interactive

Say Yes to container gardening

145

Naaakit sa hobby ng gardening pero tila walang espasyo sa bahay? Para sa’yo ang container gardening.

Ito ang pagtatanim ng mga halaman sa mga basyo at bakanteng lalagyanan imbes na sa lupa.

Para sa naka­rarami sa atin, magandang balita ito para naman masubukan natin kung napagkalooban nga ba tayo ng ‘green thumb’ at makapagpayabong ng isang hardin.

Sumusunod ang ilang mga tips sa mga beginners sa container gardening:

• Pumili ng tatanimang lalagyanan. Puwedeng magtanim sa mga paso kunsaan depende ang laki ng gagamitin sa kung anong nais i-build na uri ng hardin (edible garden o ornamental). Maaari ring i-repurpose ang mga malalaking jars o mga lumang balde at planggana para magamit dito.

• Edibles + ornamentals = nice garden. Magandang ideya ding kombinasyon ng ornamental at ­edible plants ang itanim sa planong garden. Ang flowering plants ang aakit sa mga pollinators gaya ng paru-paro at bubuyog para ihasik ang mga binhi ng mga tanim na halaman.

• Maglagay ng drai­nage sa mga paglalagyan ng tanim. Tiyaking may butas ang mga containers para daluyan ng sobrang tubig sa pagdidilig. Mainam ding mag­lagay ng water trays sa ilalim ng mga lalagyan para magsilbing pangsahod ng mga dumaloy na sobrang tubig.

• Tanggalin ang mga lantang dahon. Makatutulong ang pagtatanggal ng mga tuyong dahon para maiwasang pestehin ang mga tanim na halaman. Mainam din ito para magsanga ng bago ang mga full-grown plants.

‘Wag nang magdalawang-isip subukan ang paghahardin ngayong may ideya na kung paano magsimula nito. Tandaang kailangang samahan ito ng tiyaga at sipag sa pag-aalaga bago makita ang ganda ng pinagsikapang hardin. Gaya ng awitin, “Magtanim ay ‘di biro”.