Abante Tonite Interactive

Sayang ang earthquake drill

265

Napakinabangan ang earthquake drill na isinasagawa ng ilang pampubliko at pribadong tanggapan sa ating bansa, gayundin ang mga eskuwelahan sa naranasang paglindol sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa.

Marami kasi tayong mga kababayan na sumailalim sa earthquake drill ang nagamit ang kanilang ginawang pagsasanay kaya bibihira ang naitalang panic.

Kung mayroon mang hindi sumunod sa duck, cover and hold na diskarte ay karamihan ay mga estudyante daw ayon sa ilang report sa radyo nang mangyari ang lindol.

Nakakalungkot ang ganitong balita dahil imbes ang mga estudyante ang manguna sa pag-execute ng kanilang natutunan ay sila pa ang pasaway.

Sana lang ay nakita ng mga pamunuan ng eskuwelahan ang problema para maitama ng maaga lalo na’t hindi naman lagi ay mahina lang ang lindol.

***

Panalong-panalo ang Caltex sa kautusang ibinaba ng Supreme Court kung saan pinagbabayad ang petroleum giant ng anim na milyong piso para sa 228 hektaryang lupain na pag-aari ng mga tagapagmana ni Antonio Medina.

Related Posts

Anim na milyong piso para sa 228 hektaryang lupain! Hindi lamang bargain kundi halos pamigay na ang naturang presyo na napakalaking injustice para sa pamilya ni Medina!

Ayon sa desisyong ibinaba ng Supreme Court, nagkaroon ng misappropriation sa shares ng may-ari ng lupain at ilegal ang ginawa ng Caltex nang ibenta nito ang lupa sa Department of Agrarian Reform at muling ibinenta sa isang Atty. Calilung.

Ang pagbebenta ay ginawa nang walang pahintulot ng mga totoong may-ari ng lupa–ang mga tagapagmana ni Medina.

Dahil dito pinagbabayad ng SC ang Caltex ng P6M sa mga Medina. Bagamat kinilala ang karapatan ng mga Medina sa naturang kautusan napakaliit naman ng anim na milyong piso para sa napakalaking lupain na hindi naman isang agricultural land sa halip ay nasa ilalim ng klasipikasyon bilang industrial at commercial na dapat ay nasa P800 hanggang P3000 per square meters ang halaga.

Sa pangyayaring ito luhaan ang tunay na may-ari–ang mga Medina habang hindi man lang nagasgasan ang bulsa ng Caltex!

Nasaan ang katarungan?