Abante Tonite Interactive

Sayang ang gandang lalaki, manay yata

917

Magandang araw sa mga katulad kong aba­ngers sa ‘Kapitbahay Mo, I-blind Item Mo’.

Sorry hindi na ito ang first time kong mag-email ng tsika tungkol sa aking kapitbahay. Pangalawa na ito at baka more pa kasi ang saya sa feeling na naipagkakalat mo sa world ang mga tsikang hindi ko maipamukha sa nagmamalinis kong mga kapitbahay.

Well ang topic ko naman nga­yon ay itong pogi kong kapitbahay. Walang panama sa kanya ang mga matinee idol kung itsura ang pag-uusapan. Sob­rang guwapo niya as in.

Bukod sa guwapo ay mukha pang mabait kasi panay lang ang smile niya ‘pag nagtatama ang aming tingin. Ops, girl ako ha, I’m Sabel nga pala.

Kaya naman super kilig ako ‘pag napapansin ako ni kapitbahay.

Kanya lang nadismaya ako nang minsang magkasabay kami pag-uwi. Pagbaba ko ng taxi ay nakita ko siyang ibinaba ng isang luxury car. Le­xus yata ‘yun.

And nang silipin ko ang loob ng kotse ay naa­butan kong kahalikan niya as in torrid ang lala­king driver na naghatid sa kanya.

Meaning, isa sa kanila ni driver ang gay. Kalungkot lang dahil mayabang si mommy niya sa pagsasabing maraming nagkakandarapang girl sa anak niya, eh isa naman yatang girl din o alaga ng isang pa-girl.

‘Yan lang po ang aking tsika and samahan niyo ako dahil ang sarap sa feeling ‘pag na nare-release ang isang sikreto haha at sa marami pang tao.

Salamat pong muli,
Sabel