Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sayaw sa mga frontliner: Nora makikipag-showdown kay Vilma

0 471

Viral ngayon ang video ng pagsasayaw ni Lipa City Representative and Star For All Seasons Vilma Santos para sa ating frontliners.

Sa video na ipinost ni ate Vi sa kanyang Facebook page at may caption na “TO ALL OUR FRONTLINERS….. SALUTE!!!” makikita na sumasayaw siya sa dance version ng kantang “Fight Song.”

Ang daming pumuri sa nasabing video at narepost na sa mga social media accounts ng iba’t ibang netizens, gayundin sa iba’t ibang showbiz websites, blogs and portals.

Pati ang batikang choreographer na si Maribeth Bichara ay nagkomento ng “susundan ko yan…”

May mga nagsasabi naman na dapat daw ay gumawa rin ng ganito si Superstar Nora Aunor or di kaya ay mag-showdown silang dalawa. Isama na rin daw sina Alma Moreno at Carmi Martin.

Samantala, kabilang si ate Vi sa mga sumusuporta sa ating frontliners. Matatandaang isa siya sa nagpahayag ng pagpabor nang makiusap ang mga ito na magkaroon muna ng “time-out.” She made an open letter to the government at hinihiling na pagbigyan ang hiling ng ating health workers.

Leave A Reply

Your email address will not be published.