Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sayawan sa COVID `di literal iyan – Roque

0 308

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat gawing literal ang kanyang sinabi na “sayawan ang COVID-19” matapos na umani ito ng sari-saring reaksyon mula sa publiko.

“Marami ang nagtatanong sa binanggit ko na sawayin ang COVID-19. Hindi po literal `yan. Marami ang hindi nakakuha sa sinabi ko at naging subject naman ako ng memes at binuhay ang aking TikTok video. Hindi po ito literal na sayaw,” paliwanag ni Roque sa kanyang online press conference.

“Meron tayong tinatawag na hammer-and-dance theory kung paano natin nilalabanan ang COVID. Ang hammer ay `yong ginawa nating desisyon na magkaroon ng lockdown. Ito po ay para mabawasan ang pagkalat ng virus.., `Yong dance, kapag napapababa natin ang banta ng sakit eh unti-unti na natin mabubuksan ang ating ekonomiya,” aniya pa.

Para aniya malabanan ang coronavirus, mas mabigat ang responsibilidad ng mga local government unit, mga pribadong kompanya at ng bawat mamamayan. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.