Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sayyaf member, tropa bulagta sa SAF

0 93

Patay ang murder suspek na umanoy miyembro ng teroristang grupong Abu Sayyaf at ang kasama nito matapos ang naganap na engkwentro sa mga miyembro ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) Sabado ng hapon sa Zamboanga Sibugay.

Sa ulat ni Police Brig. Gen Bernabe Balba, director ng PNP-SAF sa Camp Crame, kinilala ang nasawing suspek na sina Jomar Aukasa, murder suspect at alyas Butchoy, matapos na makipagpalitan ng putok sa SAF Special Action Battalion alas-2:30 ng hapon sa Barangay Sisay, Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Ayon pa kay Balba, si Aukasa ay may apat na warrant of arrest sa kasong murder at isa pang warrant of arrest sa kasong robbery. Nakatala rin ito bilang ika-5 sa most wanted person sa Zamboanga Peninsula.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Miyembro din umano ito ng kidnap for ransom group ng Abu Sayyaf bilang facilitator at financier ng mga kidnapping activities ng teroristang grupo.

Hindi umano naging madali ang pagpatay kay Aukasa dahil bago ang operasyon ay umabot sa walong buwan ang manhunt operation laban sa suspek sa ilalim ng Case Operational Plan (COPLAN) “Assassin”.

Nabawi kay Aukasa ang isang Glock 17 pistol na pag-aari ni PO1 Mohhamad Nur Alamia, ng Tungawan Police Station na inagaw ng suspek nang tumakas ito sa pulisya noong 2018 at ito rin ang sandata na pinambaril niya kay PO3 Rommel Dela Cruz sa isang engkwentro na suwerteng nakaligtas. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.