Abante Tonite Interactive

Sazon tinuldukan ang 8 bangungot ng Marikina

209

Mga laro ngayon: (Pasig Sports Center)
4 p.m. – Davao Occ. vs Quezon City
6:30 p.m. – Paranaque vs Zamboanga
8:30 p.m. – Pasig vs Batangas

Tinapos ni Yvez Sazon ang walong kalbaryo ng Marikina Shoemasters, nilindol ang Valenzuela SPV TOP Marketplace, 70-65, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations Huwebes sa Caloocan City Sports Center.

Dominado ng Shoe Capital ang game sa pagposte ng hanggang 15 point lead tapos maiwan lang ng dalawa kung saan naging bala ng hukbo si best player Sazon na sumipa ng 13 points, 9 rebounds, 3 steals at 2 assists para entra sa win column.

Gaya ni Sazon, may 13 markers din ang off-the-bench ding si Daryl Pascual para sa mahala­gang panalo ng Marikina kahit kulelat pa sa 16-team Group A habang hinatak pababa sa 4-7 ang biktima kahit ‘di natinag sa North Division’s 12th spot. (Aivan Denzel Episcope)