Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SBPI hinihilot si Sotto

0 99

Bago pa ianunsyo ni Kai Zachary Sotto na babalik sa Pilipinas para mapabilang sa Gilas, nakikipag-usap na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) sa agent ng Ignite na NBA G League team niya na East West Private (EWP).

“We’ve been in touch with his management team led by Chao Espaldon representing EWP. We’ve been burning the lines for the past four or five days,” pag-amin ni SBPI special assistant to the president Paul Ryan Gregorio nitong Linggo.

Nagbitiw ng salita ang 18-year-old, 7-foot-3 Pinoy phen noong Disyembre na lalaro sa national team ngunit biglang nabawi dahil sumabay ang palaro sa opening ng NBA G-League. At ng nagdaang Huwebes nagsabing lalaro na lang uli.(Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.