Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SC binasbasan taas-kuryente, ilang cong pumalag

0 80

Pumalag ang Maka­bayan bloc sa desisyon ng Korte Suprema na pumapabor sa implementasyon ng Meralco para sa taas-singil ng kuryente.

Ayon kay ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, imbes na tulungan at iangat ang buhay ng sambayanang Pilipino ay tila lalo pang pinahirapan sa desisyong ito ng Korte Suprema.

“Ginagawa ng gobyerno dapat ang trabaho nitong iangat ang buhay ng mga mamamayan at ‘di magpataw pa ng mga mabibigat na pasanin, lalo na sa panahon ngayon ng pandemya at krisis sa ekonomiya,” ayon kay Castro.

SM food to go Banner Ad

Sa desisyon na ito ayon kay Castro, higit na kailangan umanong umaksiyon agad ngayon ang kongreso sa mga reporma ukol sa kuryente at consumer rights gaya ng pagtatanggal ng VAT sa electricity at pagbabasura ng EPIRA law.

Sinabi naman Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, na sagad na sa paghihirap ang mga Pilipino sa naturang desisyon.

“With the prices of basic commodities still skyrocketing due to continued big time oil price hikes and the weakening of the peso, this is another unwanted burden on our people. Financial burden like this once Meralco imposes this new power rate hike – on top of the already high electricity rates – may already break the Filipino consumers’ back,” giit ni Zarate na isa sa mga orihinal na petitioner sa usapin. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.