Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SC binusalan mga abogado sa anti-terror law

0 237

Inatasan ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang mga sangkot na abogado na huwag pag-usapan sa media ang kaso na may kinakaman sa anti-terror law.

“We would like to ask the lawyers to please refrain from being interviewed while these cases are pending resolution. You know the effect when one goes to the media and discusses his positions, it might affect the outcome of these cases,” giit ni Peralta bago magsimula ang ikalawang araw ng oral argument.

Nagbanta si Peralta na posibleng panagutin ng indirect contempt sa ilalim ng Rules of Court ang susuway dito.

“We do not like that we will use our coercive power in disciplining lawyers,” dagdag ni Peralta.

Nabatid na may 37 petisyon ang isinampa sa SC na kumukuwestyon sa batas. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.