Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SC inabsuwelto 2 tulak sa kapalpakan ng pulis

0 89

Dalawang tulak ang pinawalang sala ng Supreme Court (SC) dahil sa kabiguan ng mga awtoridad na sundin ang guideline para sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sa desisyon ng SC Second Division, binaliktad nito ang naunang hatol ng Court of Appeals (CA) at inabsuwelto ang mga akusadong sina Ernesto Crisostomo at Elenita Cruz na unang nasakote sa Maynila noong 2016.

Ayon sa SC, hindi sila nakumbinsi sa “flimsy excuse” ng prosekusyon na hindi nakuha ng mga awtoridad ang kooperasyon ng mga opisyal ng barangay para maging testigo sa pag-aresto sa dalawang akusado.

Sabi ng SC, kung walang barangay official ay puwede namang mag-imbita ng kinatawan ng Department of Justice (DOJ) pero hindi ito ginawa.

“This, in fact, reflects their nonchalant attitude towards their duty to strictly comply with the chain of custody rule,” sabi ng SC.

Una nang sinang-ayunan ng CA ang naging desisyon noong Hulyo 28, 2017 ni Manila Regional Trial Court Branch 42 Judge Dinnah Aguila-Topacio na napatunayang nagkasala sina Crisostomo at Cruz.

Nasakote ang dalawa noong Hulyo 3, 2016 matapos bentahan umano ng droga ang isang pulis na nagpanggap na bibili ng .073 gramo ng shabu na nakasilid sa plastic sachet.

Binanggit din sa desisyon ng SC na nabigo ang prosekusyon na patunayan ang krimen. Hindi rin umano ginawa agad ng mga awtoridad ang pagmamarka ng nasamsam na droga sa lugar kung saan inaresto ang mga akusado.

Inamin naman ng prosekusyon na tumanggi umanong makipagtulungan ang mga opisyal ng barangay. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.