Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SC kinandado mga korte sa 28 lugar

0 30

Inutos kahapon ng Supreme Court na pansamantalang isara ang mga korte na matatagpuan sa 28 lugar na idinagdag sa alert level 3.

Inanunsiyo ito ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa kanyang supplemental Memorandum 10-2022A matapos na ilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa alert level 3 ang 28 pang lugar sa bansa simula Enero 14 hanggang 31.

SM food to go Banner Ad

Binigyan din ng pahintulot ni Gesmundo ang court administrator para tugunan ang mga pangangailangan ng mga korte at inatasan ang Court of Appeals na maglabas ng mga kaukulang kautusan para sa operasyon ng kanilang mga tanggapan sa Cebu at Cagayan de Oro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.