Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SC, Kongreso binisto: PNP puntirya abogado ng mga ‘terorista’

0 231

Hiniling umano ng Philippine National Police (PNP) mula sa korte ang listahan ng mga abogado na kinakatawan ang mga miyembro ng ‘communist-terrorist’ group na nahaharap sa kaso, ayon sa Supreme Court (SC).

Hinayag ng SC na nakatanggap ng sulat ang Calbayog Regional Trial Court ang request mula kay PLt. Fernando Calabria Jr., chief intel ng Station Drug Enforcement Unit, kasunod umano ng utos ng nakakataas sa PNP.

Kasama sa sulat ang chart ng pangalan ng abogado, affiliation, client, case filed, status at ‘mode of neutralization’. Gayunman, wala pa umanong aksyon ang korte sa request na ito.

Pinalagan ito nina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at chairman Neri Colmenares na nangangambang tila mga abogado naman umano ng ilang personalidad na binansagang terorista ang target ng kapulisan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“This is a clear and present danger to the legal profession. This is an apparent hitlist for targetting lawyers being prepared by the national PNP down to its lower levels,” giit ni Zarate. “Are the attacks then on Atty. AK Gullien, Atty. Ben Ramos and other human rights lawyers part of a coordinated campaign?”

Sinabi naman ni Colmenares na dapat papanagutin ang may pakana ng paghingi ng pangalan ng mga abogado. Ang ganito umanong operasyon ay dapat ring imbestigahan ng International Criminal Court (ICC) at United Nations Human Rights Council (UNHRC) at iba pang international group.

Dagdag ni Colmenares, lahat ng abogado na tumututol sa Anti-Terrorism Act ay posibleng isinama sa listahan dahil ang turing sa kanila ay ‘lawyers of terrorists’.

“This is really horrible. It is intended to warn lawyers not to provide legal services to human rights victims. This will attack not just the constitutional right of the people to access to justice and judicial remedy. It is also an attack against the independent practice of the legal profession,” dagdag pa ni Colmenares. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.