Abante Tonite Interactive

SC, Kongreso nangangamoy banggaan sa isyu ng ABS-CBN

1,188

Nagbabala si Senador Panfilo Lacson na maaaring mauwi sa constitutional crisis sakaling paboran ng Korte Suprema ang inihaing quo warranto petition hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN habang dinidinig naman ito sa Kongreso.

“Baka magkaroon tayo ng constitutional crisis. Kasi halimbawa kung mag-grant ang SC ng quo warranto at kasalukuyang nagsasagawa kami ng plenary deliberation sa renewal ng franchise ng ABS, ano ang mana­naig doon?” tanong pa ni Lacson

Magugunita na naghain ng petisyon sa SC si Solicitor General Jose Calida para bawiin ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa ginawang ito ni Calida na kilalang supporter ng pamilya Marcos, mistula umanong nabastos ang Kamara at Senado, ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.

“The solicitor general cannot frustrate and remove such power by filing a quo warranto case. Furthermore, bills including Bill 5705 have been filed in the House extending the ABS-CBN franchise. Let Congress do its job by hearings these bills,” sabi pa ni Rodriguez

Bingyan-diin pa nito na ang pagbibi­gay ng prangkisa sa mga broadcasting entity ay ekslusibong nasa kapangyarihan ng Kongreso.

Kasalukuyang nakabinbin sa Kamara ang House Bill 5705 na nagpapalawig sa operasyon ng ABS-CBN.

Matatandaang mainit si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing TV network dahil sa kanyang political ads na hindi pinalabas noong panahon ng kampanya.