Abante Tonite Interactive

SC magbubukas ng help desk sa publiko

201

Maglalagay ng help desk ang Supreme Court (SC) para sa publiko.

Nabatid sa SC Public Information Office na ilulunsad sa Dis­yembre 9 ang Judiciary Public Assistance Section (JPAS) o judiciary help desk.

Isasailalim ang JPAS sa pangangasiwa ng Office of the Chief Justice na bubuuin ng tatlong unit na help desk, hotline, at email messaging.

Kasama sa magi­ging gawain ng JPAS ang maging opisyal na linya ng komunikasyon sa pagitan ng hudikatura, mga stakehol­der at publiko, at tanggapin at pangasiwaan ang mga concern o katanungan ng publiko at mga judiciary stakeholder.

Nabatid na ang help desk unit ay matatagpuan sa ground floor ng SC Centennial Building sa Padre Faura St., Maynila habang ang hotline unit at email messaging unit ay sa Office of the Chief Justice.

Bukas umano ang JPAS mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-otso nang umaga hanggang ala-singko nang hapon maliban kapag holiday.

Nalaman na ang judiciary help desk ay bahagi ng 10-point prog­ram ni SC Chief Justice Diosdado Peralta para mas maging epektibo ang serbisyo ng hudikatura. (Juliet de Loza-Cudia)