Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SC: Rape victim `di kailangang patunayan nanlaban

0 373

Hindi na kinakailangan pang patunayan ng mga biktima ng sexual abuse na lumaban sila sa suspek.

Batay ito sa 17 pahinang desisyon ng Supreme Court (SC) Third Division kung saan kinumpirma ng mga mahistrado ang hatol laban sa isang Joselito Salazar na akusado sa kasong rape ng isang 15-anyos na dalagita sa Brgy. Kalawaan, Pasig City noong 2013.

Umapela ang akusado sa naunang hatol sa kanya at kinuwestiyon ang kredibilidad ng biktima. Hirit pa ni Salazar, hindi man lamang sumigaw para humingi ng saklolo ang biktima at hindi rin nagtangkang tumakbo.

Kinontra naman ng SC ang argumento ng nasasakdal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“People react differently to distressing situations. In rape cases, victims are not burdened to shop physical resistance when they are intimidated. Intimidation is addressed to the victim’s perception and is, therefore subjective,” base sa desisyon ng SC na nilabas sa kanilang website noong Mayo 12, 2021.

Binigyang-diin pa ng SC na hindi na kailangan pang patunayan ng biktima na nagkaroon ito ng “physical resistance” lalo na kung tinatakot sila ng rapist gamit ang armas nito.

Hinatulan si Salazar ng habambuhay na pagkabilanggo at inutusan din ng SC na magbayad ng P225,000 para sa pinsalang dinulot ng kanyang paglapastangan sa biktima. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.