Abante Tonite Interactive

SC ruling kay Enrile batayan ni Imelda sa pagpiyansa

0 209

Ang ruling ng Supreme Court (SC) sa kaso ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang pangunahing batayang ginamit ng Sandiganbayan para makapagpiyansa si dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ayon ito sa resolus­yong inilabas ng Sandi­ganbayan 5th division.

“Taking into account primarily the fact that she is of advanced age and for health reasons, consistent with the doctrine in Enrile vs. Sandiganbayan, bail is allowed for these 7 ­cases,” ayon sa resolusyon.

Bukod dito, nakapaloob sa resolusyon na hindi rin napatunayan ng prosekusyon ang limang kondisyong itinakda sa ilalim ng Section 5, Rule 114 ng Rules of Court na magiging grounds para sa pagbabasura sa right to post bail ni Marcos.

“These conditions are: if an accused is habitual delinquent, escaped from legal confinement, committed an offense while under probation, probability of flight, and undue risk of committing another crime. None of the afore-enumerated circumstances were effectively shown to prohibit Ms Marcos’ availing of post conviction bail,” ayon sa San­diganbayan.

Magugunitang pina­yagan si Marcos na mag­lagak ng P300,000 piyansa, doble sa original bond na P150,000 gayundin ang makapaghain ng apela laban sa guilty verdict. (Eralyn Prado