Abante Tonite Interactive

SC ruling vs PSA i­­­nisnab

203

Tila binabalewala ng Manila Electric Company (Meralco) ang ipinalabas na regulasyon ng Korte Suprema na nagpapawalang bisa sa nauna nitong ‘power supply agreement’ (PSA) sa parehong karagdagan dahil sa pagkabigo sa ‘utility distribution’ sa ‘bidding’ sa ilalim ng panuntunan ng ‘competitive selection process’ (CSP) rules.

“Meralco continues its dubious attempts to award to itself a 1,200 megawatt po-wer supply agreement (PSA) through a wholly-owned subsidiary, notwithstanding the Supreme Court’s recent decision to practically nullify an earlier Meralco PSA with the same subsidiary due to the distribution utility’s failure to bid out the PSA under competitive selection process (CSP) rules,” ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

Sinabi ni Zarate, na ipinaggigitan pa rin ng Meralco na magbigay ng multi-milyong kontrata sa kanilang sariling ‘subsidiary’ matapos na mapa­lathala na handa silang magsagawa ng CSP sa kahilingang payagan at agad na pasimulan ang konstruksiyon ng Atimonan coal-fired power plant.

Kasabay nito, binalaan ng kinatawan ng Bayan Muna ang Meralco na kanilang mahigpit na minomo­nitor ang bawat galaw nito kaugnay sa PSA at kapag pinilit nitong madaliin o makipagkarerahan sa kalalabasan ng ‘bidding’ ay hindi sila mangingi-ming m­uling maghain ng panibagong kaso laban sa mga abusadong mga opisyal ng Meralco.(Dolly C­abreza)