Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SC sa GMA network: 30 sinibak, bayaran

0 101

Inatasan ng Supreme Court (SC) ang GMA Network Inc. na ibalik sa kanilang trabaho ang 30 cameramen at assistant cameramen at bayaran ang kanilang backwages, allowances at iba pang benepisyo mula sa panahon ng kabilang illegal dismissal noong 2013 hanggang sa kanilang aktuwal na reinstatement.

Sa desisyon ni Justice Marvic M.V.F. Leonen, na inilabas noong Hulyo 13, 2020 pero ngayon lang isinapubliko, idineklara ng SC Third Division na ang mga petisyuner ay regular na empleyado ng GMA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayundin, iniutos ng SC sa media network na bayaran ang kada petisyuner ng attorney’s fee na katumbas ng 10% ng total monetary award na ipagkakaloob sa bawat isa sa kanila.

Ang halaga ay may rate na 6% per annum na kukuwentahin sa finality ng desisyon hanggang sa mabayaran ng buo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.