Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SC winarningan judge na nagtimbre ng kaso

0 171

Winarningan ng Supreme Court (SC) ang isang hukom sa Davao matapos na makarating sa Mataas na Hukuman ang ginawa nitong pag-text sa partido ng kasong nakabinbin sa kanyang sala.

Sa 6-pahinang resolusyon ng SC 2nd division nalaman na si Davao del Sur Regional Trial Court Branch 15 Judge Mario Duaves ay guilty sa paglabag sa New Code of Judicial Conduct.

Base sa rekomendasyon ng Office of Court Administrator (OCA) si Duaves ay na-reprimand at binigyan ng warning na kapag naulit pa ang katulad na aksiyon ay paparusahan na siya ng mas mabigat.

Inamin naman ni Duaves na nakipagpalitan siya ng text messages sa partido na may nakabinbing property dispute case sa kanyang sala.

Sa depensa ni Duaves, sinabi nito na walang basehan, walang katotohanan at isang anyo ng harassment laban sa kanya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.