Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Scammer ng Globe Home Wi-Fi timbog sa PNP

0 77

Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang isang nagbebenta ng Globe At Home modem na pinalitan ng DITO sticker sa Pala-Pala, Brgy. Sampaloc sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa Globe, kinumpiska ng PNP ang Globe At Home Tozed S10g modem sa isang Marlou de Paz sa isinagawang operasyon at iniimbestigahan na ito ngayon dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 matapos siyang mahuling iligal na binibenta ang tintuturing niyang open line DITO modem sa iba’t ibang Facebook community group ng mga residente ng Cavite.

Sabi ng Globe, pinagmalaki pa ni De Paz sa kanyang mga Facebook post na ang modem na kanyang binibenta ay Tozed S10g Home prepaid Wi-Fi device at magagamit ito sa kahit na anong telco operator.

Nanawagan ang Globe sa mga kostumer nito na i-report sa kanila at sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga tampered modem. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.