Abante Tonite Interactive

Scandal ni Loisa: Hindi ako perpektong tao

6,658

Naging emosyonal si Loisa Andalio sa panayam ng “Tonight With Boy Abunda”. Muling naungkat ang controversial scandal niya na nangyari noong March 2019.

Kinumusta siya ni Boy Abunda matapos ang pinagdaanang isyu. Ani Loisa, “Ngayon Tito Boy, masasabi ko na… natuto ako, at bumabangon ako, nakabangon ako, dahil po ‘yun sa mga taong nagmamahal sa’kin sa paligid ko.”

Hindi man naging direkta ang pag-amin simula nang pumutok ang isyu, inamin niya ang pagkakamali niya. Aniya, “Hindi po ako perpektong tao Tito Boy. Nagkakamali din po ako at sa’kin Tito Boy… ang mahalaga sa’kin, natuto ako, bumangon ako, lumaban ako, tuloy ang buhay.”

Matapos ang isyu, nagbigay siya ng mensahe sa sarili sa pinagdaanang kontrobersya.

Sey niya, “Masasabi ko sa kanya na … proud ako sa kanya … dahil kinaya niya ‘yung sakit… kinaya niya ‘yung panghuhusga. ‘Yun po Tito Boy, gusto ko sabihin na proud ako kasi hindi ka sumuko… kinaya mo.”

Isa sa mga taong nagbigay umano ng lakas sa kanya ay ang boyfriend na si Ronnie Alonte. Paliwanag niya, “Sinabihan po niya ako na, ‘Akong bahala sa’yo, taas noo tayong lalabas, hindi kita papabayaan.’”

Aminado rin siya na noong mga panahong ‘yon ay muntik na siyang sumuko dahil sa panghuhusga at masasakit na salita. Ang nagbigay sa kanya ng lakas na ipagpatuloy ang nasimulan na karera ay ang kanyang pamilya at si Ronnie. (Rona Ronda)