Abante Tonite Interactive

Scandal video ng male star, boring

934

Allan Diones

Boringga ang napanood naming almost 6 minutes na scandal video ng isang male reality star (MRS).

Bukod sa halos walang sound ang video ay ang liit ng screen nito, na parang kinunan lang sa celfone para maipasa ito sa iba.

Abante Hiring – IT dep

May ka-Skype si MRS, na maya-maya ay pinakitaan niya ng kanyang abs at chest, hanggang sa napunta na ang kamera niya sa kanyang nota na nilalaro-laro niya.

In fairness ay maganda ang kulay ng notes ni MRS at mukhang okey naman ang sukat nito.

Binidyo niya ang sarili hanggang sa pumutok ang “Bulkang Mayon” at umagos ang masaganang lava, pero wala pa rin itong dating.

Ang layo ng boring private video ni MRS sa mga naunang scandal vids ng ibang male celebs na mas kaaya-ayang panoorin.

Actually, hindi naman kagulat-gulat ang nasabing video dahil nu’ng panahong part pa si MRS ng reality-based show na sinalihan nito ay siya ang pinaka-proud na mag-display ng katawan niya at malakas ang loob niyang magsuot ng skimpy trunks, na ikinatuwa noon ng mga girls at beks.

Ang dayalog noon ni MRS ay wala siyang malisya sa katawan, pero hindi raw siya exhibitionist.

Nabanggit din niyang handa siyang magpa-sexy kung may offer na ganu’ng pelikula, pero hanggang puwet lang daw ang kaya niyang ipakita at no-no sa kanya ang frontal nudity.

Hindi niya keri ang frontal nudity sa movie, pero higit pa sa frontal ang kaya niyang ipakita at ilabas sa batibot bidyo.

Dating modelo si MRS bago siya naging parte ng sinalihang reality show sa telebisyon at pumasok sa showbiz para subukan ang pag-arte.

Obviously ay hindi sinuwerte si MRS dahil wala na siya ngayon sa sirkulasyon at hindi namin alam kung ano nang balita sa kanya.

Kung nagbabalak siyang magbalik sa eksena ay ito na ang tamang pagkaka­taon dahil puwede niyang gamitin ‘yung pagkalat ng scandal video niya para magkaroon ulit ng awareness sa kanya ang publiko.

‘Yun ay kung hindi mabubugnot ang manonood ng kanyang boringgang private video!
PAK!!

Vickie may
niluluto sa Regal

Hindi man pinalad si Vickie Rushton na makapag-uwi ng isang korona sa katatapos na Bb. Pilipinas beauty pageant ay mukhang may maganda namang mangyayari sa career niya.

Tila may nilulutong project­ sa kanya ang Regal Films base sa post ni Direk Joey Reyes na nag-meet sila at meron daw silang ‘big plans ahead’ para sa nobya ni Jason Abalos.

Kasama ni Direk Joey sa pic si Vickie at si Ms. Roselle Monteverde ng Regal Entertainment.

Obviously ay pelikula ang gagawin ni Vickie sa Regal at baka may chance pa na magkatrabaho sila ng boyfie niyang si Jason.

Natuwa ang fans ni Vickie­ sa good news na ‘yon at excited daw sila sa project na gagawin nito.

Tama lang na mag-move on na kaagad ang 27-anyos na dalaga mula sa hindi kagandahang nangyari sa kanya sa Bb. Pilipinas at tigilan na niya ang pagsasalita tungkol sa kanyang sablay na moment sa Q&A portion ng pageant.

Sana raw kasi ay hindi na nanisi pa ng iba o nagdahilan ng kung ano-ano si Vickie kung bakit hindi siya nakasagot nang tama.

Last year ay nganga rin naman daw si Vickie sa Q&A, so baka ‘yun daw talaga ang kahinaan niya kaya huwag na siyang magdahilan pa.
PAK!!

Jak, Barbie
nagkatuta

Sobrang cute ng mga alagang doggies ni Jak Roberto na parami nang parami dahil nanganak na naman ang isang aso niya.

Binidyo pa ni Jak ang panganganak ng alaga niyang si JMi na nakakagigil ang tatlong baby puppies.

Piniktoryal din ni Jak ang iba niyang doggies na napakakyut din. Kita mong mahal na mahal ni Jak ang pets niya na parang mga anak niya.

Ang laki ng nagagastos niya sa kanyang fur babies, pero okey lang sa certified dog lover na si Jak.

Nakakasiguro si Barbie Forteza na mabuting tao ang boypren niya at mapagmahal ito base sa pag-aalaga nito sa doggies nito.

Oo nga pala, malapit nang magtapos ang primetime series ng JakBie na “Kara Mia” na balita namin ay papalitan ng “Rosang Agimat” ni Gabbi Garcia.

Kaya lang ay mukhang naantala raw ang produksyon ng “Rosa” dahil sa nangyaring unfortunate incident kay Tito Eddie Garcia habang nagsu-shoot ng nasabing Kapuso serye.