Abante Tonite Interactive

Scarlett ikatlong beses ikakasal

436

Ang actress na si Scarlett Johansson at ang American comedian, actor, at writer ng “Saturday Night Live” na si Colin Jost ay ipinahayag na sa publiko ang kanilang nalalapit na kasalan.

Ito na ang pangatlong pagpapakasal ni Scarlett, 34, na unang ikinasal kay Ryan Reynolds mula 2008 hanggang 2011 at sa journalist na si Romain Dauriac.

“Scarlett says he is different than many of the men she has been with,” ayon pa sa isang taong malapit sa dalawang ikakasal.

“She is pretty picky who she goes out with even if it’s just dating. They share many similarities together.”

Sa kabilang banda, si Jost naman ay never mong naringgang nagsalita pagdating kay Johansson. Ang tanging namutawi sa kanyang mga bibig ay …..”She’s pretty cool. It’s hard to have a lot of complaints, she’s pretty awesome. I’m very happy. I feel very lucky.”

Sina Scarlett at Colin ay unang lumantad sa publiko para ipabatid ang kanilang relasyon sa 2017 American Museum of Natural History Museum Gala at mula noon hanggang ngayon ay nanatiling matatag at maganda ang kanilang relasyon kaya nag-decide na silang magpakasal. (Lourdes Fabian)