Abante Tonite Interactive

Schoenlein, Sta. Lucia didiskarilin ang PLDT

229

Umiiwas ang ibang teams na makalaban ang defending champions Petron at No. 2 F2 Logistics pagsapit ng quarterfinals ng 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Kaya naman walang ibang nasa kukote ang katabla sa pang-anim sa standings na Sta. Lucia (2-7) kundi kalusin ang PLDT Home Fibr sa alas-siyete ng gabi upang umangat sa kinalalagyan.

Magkakaroon ng twice-to-beat advantage ang top two teams pagkatapos ng double round robin, makakaharap ng No. 1 team ang No. 8 habang toka ng No. 2 ang No. 7 sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Galing sa talo ang Sta. Lucia sa Cargo Movers, pero masosolo nila ang pang-anim na puwesto kapag tinalo, dinistrungka ang PLDT Home Fibr.

“We have to step up and work doubly hard in our next five matches,” saad ni Sta. Lucia coach Babes Castillo.

Kakapitan ng Lady Realtors si import Casey Schoenlein at local pla­yers Jhoanna Maraguinot, Pam Lastimosa at middle blocker Molly Lohman para makuha ang inaasam na panalo.

Magpapang-abot naman sa alas-4:15 ng hapon ang nasa panlimang Cignal (5-6) at nasa ikawalo’t kulelat na Foton (1-8), at ang pumapang-apat na Uni­ted Volleyball Club (5-4)at Generika-Ayala (2-7). (Elech Dawa)