Abante Tonite Interactive

Scholar ng ‘Eat Bulaga’ nanguna sa Civil Engineering board exam

532

tonite-this-is-it-roldan-castroIpinagmamalaki ng “Eat Bulaga” family na nanguna ang kanilang scholar na si Jaydee Lucero sa katatapos lamang na Civil Engineering licensure e­xamination.

Nakakuha si Jaydee ng 97.20 passing rate at nanguna sa humigit 13,000 examinees ngayong taon. Siya ay produkto ng scholarship prog­ram ng EB na tinatawag na “Eat Bulaga Excellent Student Awards” or “EBest.”

Naka-graduate bilang magna cum laude mula sa University of the Philippines—Diliman, anim na buwang nag-review ang 22-anyos na binata para sa board.

Lahad ni Jaydee, ang kanyang ina ang matiyagang nagbantay sa Professional Regulation Commission’s (PRC) website para sa resulta ng exam.

“Si Mama yung pinaka-exci­ted talaga nung lumabas yung result. Ilang beses niyang tini­tingnan yung website ng PRC if lumabas na ba yung result. Siya yung unang nagbalita sa akin and ang pinaka-happy talaga sa pag top ko.”

Inilunsad noong 2009, ang E­Best Awards ay isang programa na nagbibigay ng scholarship grant sa mga outstanding elementary, high school and college students mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Napagkalooban ng Eat Bulaga si Jaydee ng high school and college scholarship, monthly allowances at annual cash assistance para sa iba pa niyang pangangailangan sa eskwelahan.

Ayon kay Jaydee, kung hindi dahil sa “Eat Bulaga,” malamang ay hindi na siya nakapag-aral sa kolehiyo at nagkaroon ng degree.

Saad nito na itinuro ng Eat Bulaga sa kanya ang pagkakaroon ng positive outlook at ‘wag mawalan ng pag-asa sa buhay.

“Maliban sa assistance na binigay nila sa akin, ang impact talaga nila sa akin eh yung outlook ko sa buhay na hindi porket nasa lower class of society ka, hindi ibig sabihin nun na wala ka ng chance para baguhin ang future mo. Meron ka pa rin kakayanan na tuparin ang iyong mga pangarap.”

Pacman may bagong kasunduan

Lumagda ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ng isang kasunduan kay Chairman KJ Kim para sa International MIT MESSENGER. Makikipagtulungan siya sa lara­ngan ng public service gamit ang kanilang internet platform.

Ang pormal na paglulunsad ng “MIT MESSENGER” social media platform sa Pilipinas ay gaganapin sa Martes , 2PM sa Manila Conrad Hotel.

JAMS Top Model 2018 papasukin ang showbiz

Type mag-artista ng siyam na nanalo sa JAMS Top Model 2018 . Sila ay magiging talents na ng JAMS Artist Production ng mag-asawang Jojo Flores at Maricar Moina.
Sa ngayon, sumasailalim ang 9 winners sa extensive training at workshops para maging top mo­dels.

Of course, kasama na rin dito ang acting workshop bilang preparasyon sa pagpasok nila sa lara­ngan ng pag-arte. Maglilibot din sila sa buong Pilipinas para ipamalas ang pagiging mabuting modelo bilang kabataan.

Ani Maricar, ang mga nanalo sa kanilang patimpalak ay magiging ambassador ng mga business partner ng JAMS Top tulad ng Idara Wellness Lounge and Travellers Deal Inc., Grovic Pharma Inc. at iba pa.

Ang mga nanalo sa JAMS TOP MODEL 2018 grand gala night noong November 19 sa MOA Arena ay sina…

Sa category 1 grand winner: Mien Kloppers, category 2 grand winner: Miguel Enrico Gochuico, category 3 grand Winner: Maharlika Aquino Santos CATEGORY 1 : 1st runner up: Renzie liboon, 2nd runner up: Liann Xndrah N. Gappi.

CATEGORY 2 : 1st runner up: ANCIENT TABORA, 2nd runner up: Alecsa Julie Cang
CATEGORY 3 : 1st runner up: Sheina Fitzsimmons , 2nd runner up: Louise Cruz

Ang category 1 ay may edad 6-9, samantalang ang category 2 ay 10-15, at ang category 3 naman ay 16-25.

Ang JAMS TOP MODEL 2018 ay may hashtag na “transforming beauty with modesty.”

Ayon pa kay Maricar hindi lang ang pagrampa ang ibinigay nilang oportunidad sa mga batang ito kundi gusto rin nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magkaroon ng proyekto para mag-endorse.

Sophie kinaiinisan

Certified kinaiinisan na nga­yon ang Kapuso actress na si Sophie Albert bilang si Amber sa Pamilya Roces. Tinawag siya ng mga netizen na ‘black sheep’ of the year.

Paano ba naman kasi, nasaktan na niya ang kapatid na si Crystal (Carla Abellana), pinagpipilitan niya pa ang sarili niya kay Hugo (Rocco Nacino) kahit na ayaw na nito sa kanya.

Tila unstoppable na rin si Amber dahil ayaw na rin sa kanya ng kanyang amang si Rodolfo (Roi Vinzon) dahil sa ginawa niyang pagsugod sa mansyon para awayin sina Natalia (Gloria Diaz). Grabe lang ang desperation ni Amber, ha! Maayos pa kaya ang kanyang relasyon sa kanila? Abangan yan sa Pamilya Roces!