Abante Tonite Interactive

Scholarship grant, binuksan na ni ‘Kuya’ Alvarado

212

Binuksan na ni Committee on Higher and Tecnical Education Vice Chairman Cong. Jose ‘Kuya’ Antonio Sy. Alvarado ang kanyang ikalawang termino sa Kamara ng mga Representante sa pagkakaloob ng scholarship grant sa mga estudyante sa unang distrito ng Bulacan sa ilalim ng kanyang proyektong Lingkod Tulong Pang Edukasyon.

Si Alvarado ang nagsusulong ng mga panguna-hing batas upang makamit at at maisakatuparan ang libre o de kalidad na edukasyon. Kabilang na rito ang HB 6494 at HB 6495 na itinatakda na lalong pagtibayin ang mandato ng gobyerno sa pagbibigay ng serbisyo sa larangan ng edukasyon.

Libong kabataang at estudyanteng Bulakenyo mula sa unang distrito na kinabibilangan ng Malolos City, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Pulilan, at Bulakan ang muling makikinabang sa tulong pang-edukasyon na ito ni Alvarado na muling nasungkit ang congressional seat noong nakaraang halalan .

Bukod sa tulong pang edukasyon, matindi din ang programa ng kongresista sa larangan ng isports at pagkakaloob ng serbisyong medikal sa mga mamamayang Bulakenyo.