Abante Tonite
Mabilis sa Balita

School pinasok; TV, laptop, computer sinimot

0 62

HINDI pinatawad ng mga kawatan ang isang eskwelahan sa Pamplona, Camarines Sur nang pasukin at limasin nito ang mga gamit, ilang linggo bago ang pasukan.

Pinasok ng mga ito ang isang pampublikong eskwelahan sa elementarya at kabilang sa kanilang tinangay ang flat-screen TV, laptop at computer set na gagamitin sana ng mga estudyante sa darating na pasukan.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng mga pulis na posibleng pinlano at tiniyempuhan ng mga kawatan na walang naka-duty na guwardiya nang pasukin ito.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.