Abante Tonite Interactive

School principal na may ka-check in na babae, natigok

1,142

Isang high school principal ang natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang hotel sa Ilagan City, Isabela Huwebes ng hapon.

Sinubukan pang dalhin sa Governor Faustino Dy Memorial Hospital ang biktimang si Edford Rico, principal ng Lalaunan National High School subalit idineklara na rin itong dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame kahapon, alas-11:43 ng umaga ng mag- check in sa Sky Park Hotel sa Brgy. Alibagu ng lungsod na ito ang principal kasama ang isang hindi pa kilalang babae lulan ng sasakyan nitong Mitsubshi adventure.

Makalipas ang isang oras ay tumawag sa front desk ng hotel ang babaeng kasama ng principal at humihingi ng tulong dahil nawalan umano ng malay ang kanyang kasama.

Mabilis naman ang responde ng mga tauhan ng hotel at nakita nila ang biktima na walang malay na nakahiga sa kama.

Agad namang dinala sa nasabing opsital ang principal subalit idineklara na rin itong dead-on-arrival.

Patuloy naman nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Provincial crime laboratory ng Isabela upang mabatid kung ano ang tunay na nangyari sa biktima habang hindi na makita ang babaeng kasama nito na sinamantala ang kaguluhan upang pumuslit. ­(Edwin Balasa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad