Abante Tonite Interactive

School sa Subic may bomb threat

By
9

Binulabog ng bomb threat ang Subic Central ­Elementary School ng isang hindi nagpakilalang texter na mayroon umanong nakatanim na bomba sa naturang paaralan kahapon ng tanghali.

Mismong ang principal ng nabanggit na paaralan umano ang nakatanggap ng naturang text message kung saan ay nakasaad ang, “Maglaro tayo, Hanapan ng bomba” dahilan upang agad nilang ipagbigay alam sa mga awtoridad.

Bagama’t nag-negatibo ang isinagawang pagha­hanap ng mga tauhan ng Subic PNP sa umano’y bomba ay minabuti naman ng pamunuan ng naturang paaralan na kanselahin na ang klase sa panghapon kahapon at ngayong araw.