Abante Tonite Interactive

Schooling na parak todas sa ratrat

0 241

Patay ang isang nag-e-schooling na pulis matapos itong tambangan ng hindi nakilalang gunman habang papunta sa headquarter sa Calamba City, Laguna Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Police Lt. Ramil Gonzales.

Ayon sa Calabarzon police, nangyari ang krimen habang nagsasanay ang biktima ng Officer Basic Course (OBC) sa National Police Training Institute (NPTI) sa Camp Vicente Lim, Calamba City.

Sa imbestigasyon, nakasakay ito sa kanyang motorsiklo at patungo sa kampo bandang alas-otso ng gabi nang biglang harangan at barilin ng suspek sa harap ng isang fastfood store sa Brgy. Mayapa.

Isinugod ang pulis sa Global Care Hospital suba­lit nalagutan din ito ng hininga.

Patuloy ang imbestigasyon ng Calamba City police at inaalam pa kung ano ang motibo at kung sino ang salarin. (Ronilo Dagos)