Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Schrock tinalakan Philippine Azkals

0 55

Hindi nagustuhan ni Azkals team captain Stephen Schrock ang naiuwi nitong panalo kontra Guam at kinailangan pa nito magsermon sa gitna ng pitch kahit na naitala ang 3-0 panalo Biyernes ng gabi sa second round ng 2022 FIFA World Cup and 2023 AFC Asian Cup qualification sa Sharjah Stadium sa United Arab Emirates.

Nagawang biguin ng Philippines Azkals ang nakatapat na Guam sa kambal na torneo na FIFA-AFC bubble qualifier para sa ikatlo nitong pangkalahatang panalo sa qualification tournament at una sa ginawang centralized o bubble COMPETITION sa Sharjah upang makabawi sa nalasap na 0-2 kamalasan kontra China noong Martes.

Gayunman, matapos ang laro, agad tinipon at kinausap ni Schrock ang mga miyembro sa gitna ng pitch kung saan kitang-kita ang pagkadismaya nito sa ipinamalas ng koponan na pinakapaboritong manalo sa laban.

Ang panalo ay nagdulot sa Filipino booters sa posibleng silya sa ikatlong round ng Asian Cup qualifiers habang muli na kinapitan ang ikatlong puwesto sa Group A na may kabuuang 10 puntos. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.