Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Schroder muling bumomba sa OKC

0 151

Desperado ba ang Houston Rockets?

Bumato ng 58 attempts sa labas ng 3-point arc ang Rockets, pero kinapos pa rin at tumukod sa Oklahoma City Thunder 117-114 Lunes ng gabi sa Orlando bubble.

Sa ilalim ni coach Mike D’Antoni, nakilala ang Rockets na nabubuhay sa long range shooting. Du’n din sila nasilat.

Ang dating record ng Houston sa most 3-pointers sa isang playoff game ay 52.

Pumasok ang 23, pero nag-backfire ang estratehiya dahil sa dami ng pinukol ay malamig pa rin ‘yun.

SM food to go Banner Ad

Sa isang yugto sa third quarter, tumira ng 18 for 32 ang Rockets at dumistansiya ng 15. Pero natuyuan na sila mula roon, 5 for 26 na lang hanggang final buzzer.

Tabla sa 2-2 ang series, babasagin ng dalawa sa Game 5 bukas.

Sa Twitter, pinagpiyestahan ng mga miron ang game plan ng Rockets. Halos lahat, hindi makapaniwala na sa labas ng arc lang sila magtatangkang manalo.

Tumapos si James Harden ng 32 points, 8 rebounds at 15 assists, sumegunda ng 23 pts. si Eric Gordon sa Houston. May 21 markers si Danuel House, at 11 pts., 11 rebs. kay PJ Tucker.

Bida sa ikalawang sunod na game, tumabo ng career-playoff high 30 pts. si Dennis Schroder para sa OKC. Naka-29 siya sa Game 3 sa 119-107 win din ng team. Umiskor si Chris Paul ng 26 laban sa dating team. May 18 pts., 12 rebs. at 6 asts. pa si Shai Gilgeous-Alexander. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.