Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Schwartzman umabante na

0 46

Inulan ang second-round play sa Louis Armstrong Stadium ng US Open nitong Miyerkoles.

Kinailangang itigil ang paluan nina two-time major finalist Kevin Anderson ng South Africa at 11th-seeded Diego Schwartzman ng Argentina habang lamang ang huli 7-6 (7-4).

Itinuloy ito sa Arthur Ashe Stadium pagkatapos ng 6-3, 6-4, 6-7 (4) win ni Stefanos Tsitsipas kay Adrian Mannarino. Wagi ang Argentinian sa African, 7-6 (7-4), 6-3, 6-4.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang Arthur Ashe at Louis Armstrong lang ang courts na may retractable roofs sa Flushing Meadows.

Pero pinasok din ng tubig ang Louis Armstrong, makalipas ang dalawang oras na bagsak ng ulan ay basa na ang stadium.

Postponed ang laro nina Angelique Kerber at Anhelina Kalinina na dapat ay isusunod sa Anderson-Schwartzman match sa Louis Armstrong. Itutuloy ang Kerber-Kalinina match ngayon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.