Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Scottie, GF nagliwaliw

0 132

Binigyang kasiyahan ni Barangay Ginebra guard Scottie Thompson ang sarili matapos ang mahirap na kampanya tungo sa pagwawagi sa titulo sa nakalipas na 2020 PBA Philippine Cup sa pagsasaya nito kasama ang nobyang si Pau Fajardo at pamilya sa isang environmental theme park sa Digos City.

“Zipline pa more,” post ni Thompson sa kanyang Instagram account habang kasama ang GF, mga kapatid at kaibigan sa pagsubok sa mga tampok na ride at pasyalan sa Camp Sabros Kapatagan sa Digos City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una munang binigyan ng homecoming si Thompson sa pagbabalik nito sa kanyang probinsiya matapos ang mahigit na dalawang buwang walang uwian na paglalaro sa loob ng bubble sa Angeles University Foundation (AUG) Gym sa Angeles, Pampanga.

Sunod nito isinagawa ang pamamasyal sa malawak na kapagiliran at kabundukan ng Camp Sabros sa pagsakay sa train na nakikita ang matatayog na puno na kasama ang malamig na fog pati na rin sa pagtuntong sa tinagurian na “Bird’s Nest.”

Unang pagkakataon naman ni Thompson na makapamasyal sa dinarayong theme park matapos makapagpahinga ng matagal na panahon dahil sa epekto ng coronavirus pandemic. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.