Abante Tonite Interactive

Scottie, Greg, Art sibak sa Gilas ‘Pinas

583

Nilaglag ni coach Tim Cone sa Gilas Pilipinas ang tatlo niyang bataan mula Ginebra na sina Greg Slaughter, Art Dela Cruz at Scottie Thompson.

Sa Twitter, kinumpirma na rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang final 12 ng Gilas na isasabak sa 2019 SEA Games na iho-host ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Naiwan sa final roster sina Japeth Aguilar, LA Tenorio at Stanley Pringle ng Gins; June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at Chris Ross ng San Miguel; Troy Rosario at RR Pogoy ng TNT; Vic Manuel ng Alaska, Matthew Wright ng Phoenix, Christian Standhardinger ng NorthPort at si Kiefer Ravena ng NLEX.

Late addition si Ravena na ipinalit sa binakanteng puwesto ni Jayson Castro.

Nagka-injury si Castro pero ­nakalaro na noong Miyerkoles sa ­final game ng KaTropa sa ­eliminations ng PBA Governors Cup.
May dislocated right thumb din si Slaughter kaya inasahan nang hindi makakalaro.

“Although the decision was surely not easy, the SBP have complete trust in the team and we’re excited to defend our crown as the best basketball team in the region,” pahayag ni SBP president Al Panlilio sa isang statement.

“We hope that the Filipino ­basketball fans are as excited as us and that they’ll be there at the games to support the team.”

Babalatan ng Gilas ang ­paghahabol sa pang-18 titulo ng biennial meet sa Disyembre 8 laban sa Singapore, sunod ang ­Vietnam (Disyembre 6) at ­Myanmar (­Disyembre 7). (VE)