Abante Tonite Interactive

Scottie MVP rin!

488

Kung si coach Tim Cone ang tatanungin, hindi lang si Japeth Aguilar ang Finals MVP ng PBA Governors Cup.

Marami pang piyesa ang kanyang Ginebra na karapat-dapat sa award.

Stanley Pringle, LA Tenorio, Scottie Thompson. Kahit si Justin Brownlee, kung puwede lang gawaran nito.

Sa five-game series kontra Meralco na natapos sa 105-93 win sa MOA Arena noong Biyernes, ­pinaka-consistent si Aguilar sa 17.4 points, 7.0 ­rebounds at 3.4 blocks at siya ang pinagkalooban ng Honda PBA Press Corps Finals MVP plaque.

Pero ang nag-standout na hindi nakita sa stats, si Thompson.

“As big as the numbers Justin made and Stanley made, Scottie’s quiet numbers were really the key to us winning aside from Japeth,” ani Cone sa pangalawang beses niyang balik sa media room para sa post-finals interview. “If I had to pick a second (Finals) MVP, I would’ve picked Scottie.”

Nag-iba raw ang complexion ng laro nang ­ipabantay kay Thompson ang top local scorer ng Bolts na si Chris Newsome sa Game 3. Sa dalawang ­sumunod na laro, hindi na pinaporma ng Gin Kings guard ang kamador ng Bolts. (Vladi Eduarte)