Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Scottie senti sa mga jersey

0 412

WALA pang aksiyon sa Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa banta pa rin ng pandemic coronavirus kaya nag-senti muna si Barangay Ginebra Gin Kings guard Scottie Thompson sa pagpo-post sa Instagram ng mga nagging uniporme niya o jersey mula nang maglaro ng basketbol.

Nagbalik-tanaw si Ginebra guard Scottie kung saan sa Instagram story nito ay tila ibinida nito ang mga sinuot niyang uniporme mula sa iba’t ibang koponan.

Sa nakahilera nitong display ay makikitang una sa pila ang pinansabak nito sa University of Perpetual Help Altas at NCAA All-Star jersey, hanggang sa Barangay Ginebra San Miguel patungong Gilas Pilipinas.

“Altas. Hapee. Ginebra,” caption ni Thompson sa naturang Instagram post na ikinatuwa ng ilan niyang mga fan.

SM food to go Banner Ad

“Sana ALWAYS Ginebra hanggang sa magretire,” komentong netizen na si @jazzlorenzo24.

“Tol pa raffle naman yung isa dyan,” sey naman ni @keeprevs29.

Nakaka-apat na kampeonato na si Thompson sa limang taong paglalaro sa PBA.

Napili na rin siya sa PBA All-Star nang apat na beses. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.