Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SCTEX poste bumagsak, 2 pisak

0 129

Patay ang dalawang construction worker habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos bumigay ang steel girder sa ginagawang tulay sa Jadjad Bridge sa Subic-Clark-Tarlac Road (SCTEX) sa Subic Bay Freeport Zone na sakop ng Barangay Tipo, Hermosa Bataan, Martes ng hapon.

Base sa ulat kahapon ng Hermosa Municipal Police Station (MPS) nag-collapse ang pansamantalang suporta sa ginagawang expansion bridge na may habang 18 metro at 180 tonelada ang bigat na aksidenteng dumagan sa mga biktima ala-1:20 ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang namatay na sina Vivincio Pamisa at Marvin Tajores habang nasugatan sina Joel Pitel, John Ray Salatan at Peter Pahilan, pawang construction worker, ng Sta Clara International Corp., ang contractor ng nasabing expressway widening project.

Ayon kay Police Staff Sgt.Rommel Bejarin, may hawak ng kaso, may pag-uusap na rin sa pagitan ng contractor ng proyekto at pamilya ng mga biktima hinggil sa mga gastusin sa pagpapalibing at pagpapa-ospital ng mga sugatang biktima.

“We are deeply saddened by this unfortunate accident,”pahayag ni Atty. Meiline Maquiling, spokesperson ng Sta. Clara International Corp.

“Assuring that the company will provide due assistance to the victims and their families, and that appropriate actions are being taken to address the incident. Safety is, and shall remain, a paramount concern of the company,” dagdag pa nito. (Edwin Balasa/Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.