Abante Tonite Interactive

SEA Games countdown sinimulan sa Clark

By
249

Maningning na sinimulan ang one year countdown ng 30th SEA Games 2019 kahapon sa Clark Global City sa Angeles City, Pampanga.

Bibitbitin ng mga Filipino athlete ang motto na ‘Win as One’, binigyan ng inspirational message ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga pambato ng Pilipinas na sasabak sa kada-dalawang taong tournament.

“To all the athletes, believe in yourself because we believe in you,” hayag ni Ramirez habang kumukutitap ang mga naggagandahang ilaw sa paligid.

Dumalo sa nasabing event sina Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee chair Alan Peter Cayetano, POC president Ricky Vargas, Executive Secretary Salvador Medialdea at Nikko Huelgas.

Unang nag-host ang Pilipinas ng SEA Games noong 1981, sunod ay noong 1991 huli ang 2005.

Nasilayan din si Asian Games weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz.

Kabilang sa mga dumalo ang mga opisyal na miyembro ng bawat bansa na kasali.