Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SEA Games final report isinumite ng organizer

0 116

Nagsumite ng final report na nakapaloob sa isang libro ang South East Asian Games Organizing Committee kina PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano, Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino and Philippine Sports Commission (PSC) Chair William “Butch” Ramirez sa isang simpleng seremonya sa Taguig City.

Matapos ang labing-apat na taon, nag-host ulit ang Pilipinas ng 30th Southeast Asian Games 2019 at pinatunayan ng bansa na kayang magsagawa ng pinakamalaki at pinakamahusay na pagdadaos ng SEA Games sa kasaysayan kung saan nagkaroon ng 56 sports, 531 events na ginanap sa 53 competition venues, and 8 non-competition venues.

Related Posts

Hindi biro ang pinagdaanan ng PHISGOC katulong ang PSC at POC upang matiyak na maging matagumpay ang 12-day, 11-nation, biennial sportsfest na pinamayagpagan ng mga Pinoy sa 149-gold, 117-silver, 121-bronze medals.

“Natutuwa naman kami dahil kahit mga delegado galing sa ibang bansa ay nagpasalamat at nagbigay ng papuri sa Pilipinas mula sa opening ceremonies hanggang sa pagkatapos ng event”, sabi ni PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara na pinasa ang ulat sa Southeast Asian Games Federation. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.